^

Metro

‘Police asset’ itinumba ng tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Mag-asawa, 1 pa sugatan

MANILA, Philippines — Patay ang isang sinasabing “asset” ng pulisya sa kampanya kontra ilegal na droga makaraang pagbabarilin ng dalawang salarin na magkaangkas sa motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Nakilala ang nasawi na si Ryan Yalung, nasa hustong gulang at naninirahan sa Castillo Street, Brgy. Upper Bicutan, ng naturang lungsod.  

Isinugod naman sa Taguig-Pateros District Hospital ang mag-asawang sina Rosalina at Samuel Rufuerzo at isang alyas “Kalik” na pawang tinamaan ng ligaw na bala buhat sa dalawang hindi nakilalang salarin.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-5 ng madaling araw nang maganap ang pamama­ril sa nabanggit na lugar kung saan nag-iinuman ang mga biktima. Tumayo umano si Yalung para bumili ng sigarilyo ngunit nakasalubong ang mga salarin sakay ng motorsiklo na agad na namaril.

Nagawa pang makatakbo ni Yalung pabalik sa mga kasamahan ngunit napuruhan na siya ng bala.  Dito rin tinamaan ang tatlo pang biktima ng mga ligaw na bala buhat sa mga salarin na mabilis na tumakas matapos ang kanilang krimen.  Tinamaan ang mag-asawa ng bala sa braso at kamay habang sa binti naman ang tama ng bala kay Kalik.

Ayon sa tiyuhin ng nasawi, dati umanong assset ng pulisya ang kanyang pamang­kin kaya ito ang hinihinalang motibo sa pamamaslang buhat sa mga sindikatong nasagasaan ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with