^

Metro

Parak na adik, 1 pa tiklo sa ‘pot session’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang pulis at isa pang lalaki na umano’y gumagamit ng ilegal na droga ang dinakip ng mga tauhan ng Caloocan City Police matapos maaktuhang nagsasagawa ng “pot session” kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod.

Nakilala ang nadakip na si PO1 Ramil Daludado, dating nakatalaga sa Quezon City Police District- Public Safety Battalion at si Teodoro Borneo, residente ng 5th Avenue, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, habang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang kanilang mga tauhan laban sa kriminalidad sa kahabaan ng 5th Avenue na talamak sa mga holdaper dakong alas-10 ng gabi nang may concerned citizen na nagsumbong sa mga pulis sa nagaganap na “pot session.”

Agad na tinungo ng mga pulis ang bahay ni Borneo at naaktuhan sila ni Daludado na sumisinghot ng hinihinalang shabu. 

Narekober sa mga suspek ang isang plastic sachet na may bakas pa ng puting pulbos, aluminum foil, lighter at isang cellular phone.

Katuwiran ni Daludado, na-“curious’” lamang umano siya kaya niya sinubukang gamitin ang ilegal na droga.  Hindi umano niya alam na shabu ang makinang na tila-pulbos sa loob ng sachet.

Hindi naman katanggap-tanggap kay Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Jemar Modequillo ang palusot ni Daludado lalo na at umamin na ang kanyang kasamahan na si Borneo sa kanilang bisyo.  

Nabatid na noong 2010 nang pumasok sa Philippine National Polcie si Daludado ngunit hindi na nag-report sa kanyang duty umpisa noong 2013 dahil umano sa problema sa pamilya.  Nakabalik lamang siya sa serbisyo nitong 2016.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa dalawa habang nakatakda ring isama sa sisibakin sa tungkulin si Daludado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with