PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 timbog sa P.6M liquid ecstasy, cocaine

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga opera­ti­ba ng Philippine Drug En­force­ment Agency (PDEA) ang isang notoryus na drug supplier at retailer ng droga kasunod ng pagkakasamsam ng mahigit P.6-M halaga ng liquid ecstasy, mga tabletas at cocaine sa buy bust operation sa Mandaluyong City nitong Huwebes ng gabi.

Sa press briefing, iprinisin-ta ni PDEA  Director General Aaron Aquino sa mediamen ang mga suspek at mga na-kum­piskang droga.

Kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Herald Peñaflor, 26, drug supplier at Lester Almalbez, 35.

Ang mga ito ay natimbog sa isinagawang operasyon sa Unit 410, Princeville Condominium, Mandaluyong City  bandang alas-9 ng gabi.

 Sinabi ni Aquino na ang likidong ecstacy ay nakasilid sa loob ng 20  bote ng energy drink, 1.6 litro ng likidong ecstacy na nagkakahalaga ng P 480,000.00; 70 piraso ng tabletang ecstasy   na aabot sa halagang P46,000.00 at anim na packs ng cocaine na nasa P140,000.00. Ang kabu­uan ng mga nasamsam na droga ay  nagkakahalaga ng P666,000.00.

“We cannot discount the possibility that a new variety of ecstasy which is blended with cocaine is doing the rounds in bars and clubs. You could imagine its potency compared to the other mainstream drugs,” pahayag ni Aquino.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Inihayag ni Aquino na pa­tuloy ang pagpapalakas ng intelligence operations ng PDEA upang maaresto ang mga elementong sangkot sa illegal drug trafficking.

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang mga nasakoteng suspect sa detention cell ng Special Enforcement Service (SES) ng PDEA. Nahaharap ang mga suspect sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: