PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 drug traffickers na nagbebenta on line, nadakip

MANILA, Philippines — Nabuking ang modus ope­randi sa pagbebenta ng droga sa social media makaraang masakote ang dalawang no­toryus na drug pushers na nagresulta rin sa pagkakakum­piska sa P.1 milyong halaga ng marijuana, ecstasy, cocaine sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar ang mga nasakoteng suspect na sina Merhan Jahiron, 28, sales assistant at Jovan Cariño, 20.

Bandang alas-10:30 ng gabi, ayon sa opisyal ng ikasa ng mga awtoridad ang operasyon sa may E. Rodriguez Sr. Avenue sa panulukan ng D. Tuazon Street, Brgy. Doña Josefa, Quezon City na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspect.

Nabatid na ang operasyon ay kaugnay ng isinagawang anti-drug operation sa Timog Avenue noong Disyembre 31, 2017 kung saan nadakip ang apat na drug traffickers kabilang sina Nina Recio, dating live-in partner ni Raul Antonio Cisneros, isang retiradong US  Air Force Intelligence officer na nasakote naman ng Taguig City Police noong Setyembre 2016  na nakumpiskahan ng P 1 M party drugs.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon, ayon kay Eleazar na ang mga suspect ay gumagamit ng social media sa kanilang illegal  na pagtutulak ng droga kung saan ang bayaran ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagdedeposito sa bangko sa account ng mga drug lords.

Nakumpiska mula sa mga suspect ang apat na plastic sachet ng Kush, isang uri ng high grade marijuana na matatagpuan lamang sa Afghanistan, Pakistan at India, 21 tableta ng ecstasy, dalawang self –sealing plastic bags ng cocaine na nagkakahalaga ng P100,000.00. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: