PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Paslit nasagip; 2 kidnaper timbog

MANILA, Philippines — Isang batang babae na dinukot noong nakalipas na Disyembre 30 sa Las Piñas City ang nasagip kahapon ng pulisya matapos ang isina-gawang rescue operation.

Naaresto naman ang   mga suspect na sina Giselle Omayan, taga Mabolo, Baco­­or, Cavite at Cerio Cinolete,  26.

Ayon sa report na natanggap ng director ng Southern Police District (SPD) na si Police Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., alas-5:30 kahapon ng umaga nang masagip  ang biktima ng mga kagawad ng Las Piñas City Police sa isang follow-up at rescue operation sa Aplaya, Binakayan, Cavite at nagresulta din ito nang pagkakadakip kay Omayan.

Base sa report, kinidnap umano ang biktima noong Dis­yembre 30, 2017 sa tini­tirhan nito sa Ilaya, Las Piñas City.

Kaagad namang iniulat ng kanyang mga magulang sa pulisye ang insidente at kahapon nga   ay nagkasa ng rescue operation ang mga ito na nagresulta sa pagkakasagip sa bata.

May hinala ang pulisya, na posibleng miyembro ng sindikato ang suspect na na­dakip, na ang modus ay ibini­benta umano  ang kanilang nagiging biktima at inuutusang manglimos.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: