PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bahay ni Freddie Aguilar, tinupok ng apoy

Buntis na misis tumalon sa bubong

MANILA, Philippines — Tinupok ng apoy ang bahay ng beterano at sikat na singer na si Ka Freddie Aguilar habang napilitan namang tumalon sa bubong ng kanilang kapitbahay para makaligtas sa sunog ang buntis na misis ng singer  kamakalawa ng gabi sa   North Fairview, Quezon City.

Nabatid mula kay Insp. Rosendo Cabillan ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP) sumiklab ang apoy dakong alas-11:00 ng gabi na sinasabing nagsimula sa music room sa ground floor ng pamilya  Aguilar.

Idineklarang under con-trol ang apoy alas-11:22 at fire out ng alas-11:38 ng gabi.

Sa kasagsagan ng sunog ay nasa second floor ang buntis na misis ni Ka Freddie na si Jovie, 21, at biyenan nito.

Sa sobrang lakas ng apoy ay napilitang dumaan sina Jovie sa balcony ng kanilang tahanan saka tumalon sa bubong ng kanilang kapitbahay.

Sinabi ni Insp.Cabillan, 70% sa bahay ng pamilyang Aguilar ay nasunog at dalawang anggulo ang tinitingnan nilang dahilan nito. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Una ay ang overloading sa electrical system at pa-ngalawa ay posibleng may leak sa tubo ng tubig na maaaring umabot sa wiring ng tahanan ng mga  Aguilar.

Tinatayang nasa P20 mil­yon ang halaga ng gamit at ari-arian ang natupok ng apoy, kabilang na ang mga orihinal na record ng kantang “Anak” at iba pang awitin ni Ka Freddie. 

Ayon kay Ka Freddie, nalulungkot siya dahil ipapamana sana niya sa kanyang mga apo ang mga collector’s items na kanyang pagmamay-ari pero nagpapasalamat na rin dahil walang nasaktan o kaya’y nasawi sa kanyang pamilya.

“Iyong mga CD na pinag­hirapan ko, ewan ko kung buhay mga records sana. 

Nandiyan iyong mga best seller ko na album, mga di pa nabuksan, pero okey lang, at least walang buhay na nawala.” sabi ng sikat na singer.

Sunog din ang mga awards, paintings, mga anti­gong gamit at mahigit 12 mga mamahaling gitara na itinuturing na ni Ka Freddie bilang mga ‘collection item’.

Isang gitarang nagkakahalagang $5,000 ang tanging naisalba ng sikat na mang-aawit.

Bunsod nito ay muling  nagbigay ng paalala ang BFP sa publiko na laging inspeksiyonin ang electrical wiring sa tahanan lalo na kapag du­marami ang mga appliances at gadgets na ginagamit.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: