PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ruta ng traslacion bahagyang binago

MANILA, Philippines — May kaunting pagbabago sa ruta ng tradisyunal na traslacion 2018  para sa mas maluwag na paglalakbay ng prusisyon ng Nazareno mula sa Quirino Grandstand pabalik sa Minor Basilica sa Quiapo, Maynila.

Nabatid mula kay Alex Irasga, pinuno ng Technical Working Committee, sa Enero 9, simula sa Grandstand , sa halip na dadaan sa  eastbound lane ng Padre Burgos at Lagusnilad, sa westbound lane ito dadaan dahil mas  malapad ang kalye kumpara sa mga dating kaganapan na nagiging bottleneck pagsapit sa  tapat ng National Museum.

Mula sa P. Burgos, kakaliwa sa Taft Avenue diretso sa Jones Bridge, na sa halip na sa northbound lane ay mismong sa southbound na dadaan o magka-counterflow na lamang.

Kakanan naman ito sa Dasmariñas  St. kanan sa Plaza Sta. Cruz,  kaliwa sa Carlos Palanca  sa ilalim ng Quezon Bridge, kaliwa sa Quezon Boulevard, kanan sa Arlegui, kanan sa Fraternal, kanan sa Vergara, kaliwa sa Duque de Alba, kaliwa sa Castillejos, kaliwa sa  Farnecio, kanan sa Arlegui, kaliwa sa Nepomuceno, kaliwa sa Concepcion, kanan sa Carcer, kanan sa  Hidalgo sa Plaza Del Carmen, kaliwa sa Bilibid Viejo sa Puyat Street, kaliwa sa Guzman, kanan uli sa Hidalgo, kaliwa sa  Barbosa, kanan sa Globo de Oro sa ilalim uli ng Quezon Bridge, kanan sa Palanca, kanan sa Villalobos sa Plaza Miranda hanggang sa makapasok na ng Minor Basilica church.

Samantala, simula alas-12:00 ng madaling araw ng Enero 9, lahat ng behikulo na magmumula sa bahagi ng Quezon City  na patungong España ay kumanan sa P. Campa Street, kaliwa sa Mendoza, kanan sa Fugoso , kanan sa Recto Avenue o kumaliwa sa Nicanor Reyes, kanan sa Recto Avenue patungo sa destinasyon.

Sa patungo naman sa Legarda, dapat kumanan sa CM Recto Avenue o kumaliwa sa Mendiola patungo sa destinasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa mga sasakyang magmumula sa Caloocan City na dadaan sa Rizal Avenue ay dapat kumanan sa Fugoso  o Recto patungo sa destinasyon.

Ang mga heavy vehicles naman katulad ng cargo trucks ay dumaan sa Osmeña patungo sa Quirino, diretso sa Nagtahan via Lacson Avenue papunta sa Capulong St.

 Ang mga bus na mula sa northbound lane ng Taft Avenue ay dapat na kumanan sa San Fernando  St. o mag U-turn  sa Plaza Ruiz patungo sa destinasyon.

Ang magmumula sa southbound lane ng Reina Regente St ay kumanan na sa San Fernando  St. o mag U-turn sa Plaza Ruiz patungo sa destinasyon.

Ang mga light vehicles naman na magdaraan sa Bonifacio Drive at sa southbound lane ng Roxas Boulevard  ay umikot sa Anda Circle patungo sa Delpan o Moriones patungo sa destinasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: