PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Inside job sa Pasay hotel robbery tinitingnan

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad ang anggulong inside job sa panloloob sa isang hotel sa lungod ng Pasay kahapon.

Magsasagawa ng “in-depth investigation” ang Southern Police District at Pasay City Police Station matapos malaman na hindi dineposito ng mga empleyado ng hotel ang kinita nitong Kapaskuhan.

Ayon sa sinumpaang salaysay ng Manor Hotel night auditor nasi Rudy De Guzman, anim silang nasa front desk nang magdeklara ng holdap ang apat na armadong kalalakihan kahapon bandang alas-3 ng madaling araw.

PANOORIN: Panloloob ng armadong grupo sa Pasay hotel

Aniya sinapak siya ng isa sa mga suspek at inutusang buksan ang kaha ngunit tumanggi siya.

Pagkatapos nito ay ninakawan naman ng mga suspek ang mga bisita ng hotel.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nakakuha ng pera, alahas, gadget at baril ang mga suspek.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: