PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Trader kalaboso sa pagpapaputok ng baril

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang negosyante na ‘irresponsible gun owner’ matapos itong walang pakundangan na mag­paputok ng kanyang baril at minalas na tinamaan ng bala ang isang 80-anyos na lola sa Cubao, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si Edmund Barber, nasa hus­tong gulang, ‘licence gun owner’ nakatira sa New York Avenue, Cubao, Quezon City.

Dahil sa pagpapaputok ni Barber ay tinamaan ng bala si Patria Aliwalas, residente rin sa lugar na ngayon ay ginagamot sa East Avenue, Medical Center Hospital.

Ayon sa report, lasing umano si Barber noong wa­lang pakundangan na magpaputok ng kanyang baril dakong alas-7:50 ng gabi.

Sinabi ng isang saksi, apat na beses nagpaputok ng baril si Barber at sa hu­ling pagpapaputok nito ay doon tinamaan si Aliwalas na noon ay tumatawid sa New York Avenue.

Isa pang saksi, na humi­ling na huwag ng ihayag ang kanyang pangalan ang nagsabi, na malamang na siya talaga ang puntirya ni Barber dahil may alitan silang dalawa pero ang tina­maan ay ang matanda.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nakakulong ngayon si Barber sa QCPD Station 10 at nahaharap sa mga rekla­mong frustrated murder, illegal possession of firearms, alarm and scandal at resisting­ arrest.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: