PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 lalaking nagpaputok ng baril sa Caloocan, arestado

MANILA, Philippines — Wala nang sinayang na panahon ang mga otoridad dahilan upang maaresto agad at masampahan ng kasong kiriminal ang dalawang lalaki na nag-away at nagpaputok ng baril sa Caloocan City nitong pagpalit ng taon na malubhang ikinasugat ng dalawang bata.

Nahaharap sa kasong frustrated homicide ang mga suspek na nakilalang sina Gil Calupaz, 27, at Isagani Ancheta, 38, residente ng Bloack 11 Brgy. 35 Sawata Maypajo, ng naturang lungsod.

Ang dalawa ang itinuturo na nag-away at isa sa kanila ang nagpaputok ng baril dahilan para tamaan ng ligaw na bala ang 10-taong gulang na si Joven Earl Gaces, at Princes Denise Cruzat, 10-taong gulang, kapwa residente ng naturang ba­rangay.

Sa imbestigasyon, nabatid na nakikipag-inuman si Calupaz sa may Sawata Road sa Brgy. 35 dakong ala-1:00 ng madaling araw ng Enero 1 nang dumating ang suspek na si Ancheta at inaway ang una na humantong sa suntukan. May bitbit umanong baril ang isa sa mga suspek na pinaputok kaya tinamaan ang dalawang paslit.

Sinabi ni Caloocan Police chief, Sr. Supt. Jemar Modequillo na nabugbog umano ng taumbayan si Calupaz kaya nakaratay siya ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center kung saan dinala rin ang paslit na si Gaces habang agad namang naaresto si Ancheta.

Narekober ng pulisya ang isang Glock .9mm pistol na isina­sailalim ngayon sa imbestigasyon kung sino ang nagma­may-ari.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: