PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

27 New Year babies nasa ICU ng Fabella

MANILA, Philippines — Nasa 27 mula sa 34 na sanggol na ipinanganak sa pagitan ng bisperas at mismong Bagong Taon ang nasa intensive care unit ng Jose Fabella Memorial Hospital.

Sinabi ni Fabella Hospital officer-in-charge Dr. Carolina Mirano na karamihan sa mga ipinanganak ay premature.

Mula sa kabuuang bilang, 12 ang isinilang ng normal delivery habang 21 ang idinaan sa Caesarian section at isa ang forceps delivery.

Aniya mababa ang bilang ng mga ipinanganak ngayon kumpara sa sa mga nakaraang taon.

Si baby Khris Anthony Sarjos Pascua ang unang pinanganak sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon ganap na 12:02 ng umaga.

Ayon sa mga hospital staff, bukod sa OB kits na binibigay nila sa nanganganak, nagbigay din ng mga prutas ang doktor na nagpaanak sa ina ni Pascua.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: