PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kauna-unahang ‘New Year baby’ isinilang

Ang ‘new year baby’ ay pinangalanang Prince Anthony Sarjos Lucas ng kanyang ina na si Mischela Lucas, 37 taong gulang, isang saleslady.

MANILA, Philippines — Isang malusog na sanggol ang naitalang kauna-una-hang  ‘new year baby’ sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital makaraan itong isilang sa mga unang sandali ng Bagong Taon, kahapon ng madaling araw, sa lungsod ng Maynila.

Ang ‘new year baby’ ay pinangalanang Prince Anthony Sarjos Lucas ng kanyang ina na si Mischela Lucas, 37 taong gulang, isang saleslady.

Ganap na alas-12:02 kahapon ng madaling araw ng iluwal si Prince Anthony ng kanyang ina.

Ceasarian delivery ang pinagdaanan ng sanggol na pang-lima sa mga anak ng nabanggit saleslady, habang unang anak naman ito para sa kasalukyang karelasyon na si Noelito Pascua.

Nabatid na ang naturang sanggol lamang ang iniluwal sa pagsapit ng unang araw ng Bagong Taon sa nasabing ospital.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: