PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Homicide vs pulis, tanod sa Mandaluyong ‘misencounter’

MANILA, Philippines — Nahaharap sa kasong kriminal ang mga pulis at barangay tanod na nagpaulan ng bala sa mga biktima ng pamamaril sa Mandaluyong.

Sinabi ni NCRPO Chief Dir. Oscar Albayalde na kasong homicide ang isinampa laban sa 10 pulis-Mandaluyong  at tatlong tanod sa Mandaluyong City Prosecutor's Office.

Kasalukuyang naka restrictive custody ang mga pulis na nakilalang sina Senior Insp. Cristina Vasquez, Police Officer 2 Nel Songalia and PO1s Kim Tinbusay, Bryan Nicolas, Julius Livuen, Ariel Uribe, Jave Arellano, Tito Danao, Mark Castillo at Albert Buwag.

Sinuspinde na rin ang mga tanod na sina Wilmer Duron, Ernesto Fajardo at Gilbert Gulpo sa utos ni Mayor Carmelita Abalos.

Dalawa ang nasawi sa insidente matapos silang pagbabarilin ng mga pulis at tanod matapos akalaing sila ang tumatakas na namaril.

Patungo sanang ospital ang mga biktima upang isugod ang nauna nang nabaril na kasamahan nila.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: