^

Metro

Binata kritikal sa saksak ng katomaan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Agaw-buhay ngayon ang kalagayan ng isang 25-anyos na binata matapos itong pagsasaksakin ng kaniyang katomaan kahapon ng madaling araw, sa Parola Compound, Binondo, Maynila.

Patuloy na ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang kinilalang si Alex Sicorsicor Y Badayos, nakatira sa #090 Gate 54, Area C, ng nasabing lugar.

Tinutugis na rin ng mga awtoridad ang suspek na kilala lamang sa alyas na “George”, tinatayang nasa 24-25 anyos.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Manila Police District-Station 11 chief, Supt. Amante Daro, naganap ang insidente dakong ala-1:25 ng madaling araw kahapon sa Gate 46, Area B, Parola.

Habang lango na sa alak ang biktima at suspek ay bigla na lang umano bumunot ng patalim ang huli at sa di natukoy na dahilan ay bigla na lang nitong pinagsasaksak ang biktima at saka mabilis na tumakas.

Agad naman isinugod ng mga taong sumaklolo sa pinangyarihan ng insidente ang duguang biktima sa naturang pagamutan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang kailangang dumaan sa isang operasyon ang biktima dahil sa malubhang kalagayan na tinamo sa pananaksak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with