^

Metro

2 trike driver niratrat, 1 todas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na umabot sa pagsalubong ng Bagong Taon ang isang 23-anyos na trike driver habang sugatan naman ang kabaro nito matapos silang ratratin ng isang di natukoy na riding-in tandem, kahapon ng madaling araw, sa Tondo, Maynila.

Dead-on-arrival sa paga­mutan ang biktimang kinila-lang si Ron-ron Supan alyas “Buknoy”, may live-in partner at residente ng No. 83 Trinidad St., ng naturang lugar bunsod ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang kapwa tricycle driver ni Supan na si Noel Padua Y Santos, 25-anyos, may kinakasama at nakatira sa No. 250 Sta. Catalina St., ng nasabi ring lugar, bunsod ng tama ng bala ng baril sa kaniyang tenga.

Sa ulat ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pamamaril sa mga biktima dakong ala-1:10 ng madaling araw kahapon, sa harap ng isang bahay sa Trinidad St., Barangay 102.

Habang masayang nag-iinuman ang mga biktima ay bigla na lamang sumulpot ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo at walang sabi-sabing pinaulanan sila ng bala.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa direksiyon ng Rizal St.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa naturang insidente at sa pagkaka-kilanlan ng mga suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with