^

Metro

Firecrackers sa Parañaque City, ipinagbawal

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para sa kaligtasan sa pagsalubong ng Bagong Taon, binalaan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Paranaque ang mga residente na mariing ipinagbabawal ang paggamit ng anumang paputok.

Sa ipinalabas na memorandum ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, base na rin sa inaprobahang ordinansa ng konseho,  ipagbabawal sa buong lungsod ang paggamit ng paputok  sa mga pampublikong lugar.

Ayon sa hepe ng Public Information Office (PIO) ng Paranaque City na si  Mar Jimenez, una sa listahan sa mga ipinagbabawal na paputok  ay ang piccolo kung saan na karamihan sa mga naitala ng Department of Health (DOH) na naputukan ay sanhi nito.

Bukod sa piccolo, ang mahigpit na ipinagbabawal ang ay Super Lolo, Whistle Bomb, Goodbye Earth, Atomic Big Triangulo, Kwitis, Goodbye Philippines, Binladen, Yolanda, Juda’s Belt, Bawang, Pla-pla, Watusi, Sawa, at other similar devices.

Nakasaad pa sa ordi­nansa, ipagbabawal na sa buong lungsod ang paggamit ng firecrackers sa mga pampublikong lugar gaya ng mga lansangan, alleys o eskinita, at maging sa mga plaza, basketball court, parke at mga matataong lugar.

Ayon pa kay Jimenez, may kaukulang multa at maaaring makulong ng isang taon ang mga lalabag sa ordinansa.

Kaugnay nito, inatasan ni Olivarez ang lokal na kapulisan at Bureau of Fire Management na magpatupad ng paghihigpit ng batas laban sa paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Nauna nang nilagdaan noong Hunyo 2017 ni Pangulong Duterte ang kautusang nagsasaad na papayagan na lang ang paggamit ng paputok sa mga community-based fireworks display.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with