^

Metro

Retiradong heneral patay sa sunog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natagpuang patay ang isang retiradong heneral ng Philippine National Police (PNP) makaraang ma-trap sa nasunog niyang bahay sa loob ng isang eksklusibong subdibisyon sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Natagpuan sa loob ng banyo ng kanyang bahay sa may #23 Jupiter Avenue cor. Comet Street sa Brgy. Bel-Air Village, Makati ang 76-anyos na si Joven Gongora na wala nang buhay.

Sa ulat ng Makati City Fire Deparment, alas-10:45 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa loob ng bahay ni Gongora.  Agad na umakyat ang sunog sa ikalawang alarma dakong alas-10:52 ng gabi.

Ayon kay Makati Fire Marshal Supt. Roy Aguto, alas-11:30 na ng gabi nang tuluyan nilang maapula ang apoy at magdeklara ng “fire out”. Sa “mapping operation”, natagpuan ang bangkay ni Gongora sa loob ng banyo ng kanyang bahay kung saan nagkulong siya para mailigtas ang sarili ngunit nasawi pa rin dahil sa matinding usok.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with