^

Metro

15-anyos dalagita na-gang rape

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapahamakan ang sinapit ng isang 15-anyos na estud-yanteng babae makaraang halinhinang gahasain ng nasa tatlong lalaki makaraang makipag-eye ball sa umano’y naging kaibigan niya sa Facebook sa Navotas City.

Pasado alas-7 ng umaga kahapon nang matunton ang biktimang itinago sa panga­lang “Jane”, isang Grade 10 student, sa isang abandonadong bahay sa may Brgy. North Bay Boulevard South.  

Naaresto naman ang suspek na si Jayvee Dela Cruz, 23 anyos, ng Phase 1-A, Alacoac Street, Brgy. NBBS habang patuloy na kinikilala pa ang dalawa niyang kasamahang suspek.

Sa ulat ng pulisya, nagpa­alam ang biktima sa mga magulang kamakalawa ng gabi na lalabas at may pupuntahan lamang ngunit hindi nito binanggit kung sino ang kasama.  

Nang lumalim na ang gabi at hindi pa bumabalik ang bik­tima, nag-alala na ang mga magulang nito nang hindi rin siya makontak sa mobile phone at isa-isang pinunta­han ang mga kakilalang ka­bar­kada ng dalagita.

 Nakitulong na rin ang mga kabarkada ng biktima hanggang sa matunton ang dalagita sa loob ng isang abando­nadong bahay na walang saplot sa katawan kahapon ng umaga.

Sa salaysay ng biktima, ginahasa umano siya ng nasa tatlong lalaki kabilang ang suspek na si Dela Cruz, na nag­resulta sa kanyang pagkakaaresto.

Si Dela Cruz umano ay nakilala ng biktima sa Facebook at naka-chat niya sa messenger hanggang sa mag-yaya na magkita sila.

Itinanggi naman ni Dela Cruz ang akusasyon laban sa kanya ngunit positibo siyang itinuro ng dalagita na naka­takda namang sumailalim sa counselling ng City Social Welfare and Development Of­fice upang makarekober  sa sinapit niyang krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with