^

Metro

Preso pumuga sa Quezon City, 7 jail officers sinuspinde

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 18-anyos na lala­king preso na may kasong carnapping ang pumuga mula sa Quezon City jail kahapon ng madaling araw.

Bukod sa nasabing kaso, may kinakaharap ding kasong illegal possession of firearms ang tumakas na preso na kinilalang si JR Manangquil, binata. 

Ayon kay Sr. Insp. Xavier Sol­dasa, tagapagsalita ng Bu­reau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagpuga ni Manangquil ay natuklasan dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Sinasabing umakyat si Ma­nangquil sa paikot na hagdan at dumaan sa pader na tila ‘spider man’ hanggang sa malayang makatakas na hindi namamalayan ng mga jail guard.

Base sa rekord ng BJMP, si Manangquil nanaipasok sa Quezon City Jail noong Decem­ber 7 lamang.

Ipinag-utos na ni BJMP Me­­tro Manila director Chief Supt. Dennis Rocamora ang ma­lawakang paghahanap kay Manangquil. 

Masusi na ring iniimbestigahan ng mga awtoridad kung bakit walang nakapansin sa ginawang pagpuga ni Manang­quil.

Samantala, kaagad namang sinuspinde ng Quezon City Jail ang pitong mga jail guard nito nang matakasan ng isang preso kahapon ng madaling araw.

Kabilang sa sinuspinde sina Senior Inspector David Jam­balos, SJO1 Dominador Zaca­rias, JO2 Antonio Ravago, JO1 Verdion Sayson, JO1 Ronnie Abugadie, JO1 Jhomer Balila, at SJO4 Remegino Mina.

Ayon kay QC jail warden Ermelito Moral, ang suspensiyon ay bilang pagbibigay-daan sa gagawing imbestigas­yon sa pagtakas ni JR Manangquil. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with