^

Metro

200 nasunugan sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malungkot na Pasko at Bagong Taon ang kakaharapin ng may 200 pamilya na nasunugan sa magkahiwalay na insidente sa Sampaloc at Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi at kahapon.

Sa ulat ni Senior Ins­pector Reden Alumno ng Manila Fire Department, kahapon ng alas-11:22 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa  Pasig Line, Paco, Maynila kung saan naapektuhan ang nasa 10 kabahayan na tinutuluyan ng 20 pamilya.

Umakyat lamang sa ikalawang alarma ang sunog na naideklarang fire-out alas- 12:23 ng hapon.

Pinaghihinalaang dahilan ang kumislap na kawad ng kuryente na nakita ng ilang residente bago maganap ang sunog na sanhi nito.

Una rito, alas-7:00 kamakalawa ng gabi nang masunog naman ang nasa 12 hanay ng paupahang mga apartment na pawang may kalumaan sa  Alfonzo Mendoza St., panulukan ng Ma. Clara St., sa Sampaloc.

Nakatira naman sa mga nasunog na kabahayan ang nasa 180 pamilya.

Ayon sa ulat ni Chief Insp. Crossib Cante ng Manila Fire Dept., umakyat sa ikalimang alarma ang sunog na naidekla­rang fire-out alas- 10:26 ng gabi.

Pawang gawa sa light materials ang mga apartment kaya mabilis na kinain ng sunog isa-isa ang magkakatabing apartment na nagsimula sa pinakadulo.

Naging mabilis naman sa pagresponde ang  nasa 5 fire trucks ng Manila Fire Dept. at 5 truck din mula sa Fire Volunteers.

Samantala, habang isinusulat ang balitang ito, isang sunog pa ang naganap sa 1st St., Paco, Maynila na tumagal lamang ng 11 minuto dahil mabilis na naapula.

Nagsimula ng alas- 3:01 at naideklarang fire-out alas- 3:12.

Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa tatlong magkakasunog na insidente ng sunog.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with