^

Metro

Maglolo utas sa pamamaril sa Navotas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Maglolo utas sa pamamaril sa Navotas

Agad na nasawi ang mga biktimang sina Fer­nando Dela Cruz, 63, at Kenneth Maglonzo, 15, kap­wa naninirahan sa Roldan Street, Brgy. Tangos, ng naturang lungsod.  Nagtamo ang dalawa ng tama ng bala sa ulo at katawan buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril. File

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang lolo at kanyang binatilyong apo makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin dahil sa hinalang ‘gang war’, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Agad na nasawi ang mga biktimang sina Fer­nando Dela Cruz, 63, at Kenneth Maglonzo, 15, kap­wa naninirahan sa Roldan Street, Brgy. Tangos, ng naturang lungsod.  Nagtamo ang dalawa ng tama ng bala sa ulo at katawan buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Sa ulat ng Navotas City Police, dakong alas-11:15 ng gabi nang maganap ang krimen sa may S. Roldan Street, ng naturang barangay.  Nabatid na bumibili ng sigarilyo sa tindahan si Mag­lonzo sa labas ng kanilang bahay nang pagbabarilin ng apat na lalaki na pawang nakasuot ng sumbrero at may takip ang mukha.

Nang bumagsak sa kalsada, sinaklolohan siya ng kanyang lolo na si Dela Cruz gayunman, pinagbalingan din ang matanda ng mga salarin at pinagbabaril din ito.

 Tinitingnan naman ng mga awtoridad ang pagkakasangkot ni Maglonzo sa riot ng mga kabataan sa kabilang tenement kamakailan na maaaring motibo sa pamamaslang sa kanya.

Nabatid na walong binatil­yo kabilang si Kenneth ang dinampot kamakailan ng pulisya dahil sa naganap na riot ngunit nakalaya rin dahil sa pagiging menor-de-edad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with