^

Metro

2 itinumba sa Pasay at Taguig

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Pasay at Taguig City iniulat kahapon.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital  (PCGH) ang biktimang si Joseph Ramos, 47-anyos, may asawa, nakatira sa #34 Saint Cecile St, Brgy.178, Zone 19, Maricaban ng Pasay City.

Batay sa ulat ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:40 ng madaling araw sa harapan ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Habang nakatayo ang biktima ay biglang dumating ang mga suspek at walang patumanggang pinagbabaril ito.

Pagkatapos nang pamamaril ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek at ang biktima naman ay dinala ng kanyang mga kaanak sa naturang ospital, ngunit binawian din ng buhay habang ginagamot. 

Samantala, alas-2:00 naman ng hapon, pinagbabaril hanggang sa napatay ang biktimang si Robert Facunla, nasa hustong gulang, ng No. 262 Unit 5, Capistrano St. Brgy. Hagonoy, Taguig City ng tatlong di natukoy na kalalakihan sa harapan ng C-6 Road, harapan ng Lakeshore Tent, Brgy. Lower Bicutan ng naturang lungsod.

Kaagad na nasawi ang biktima matapos itong magtamo ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril at ang mga suspek naman ay mabilis na nagsitakas.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pamamaril sa dalawang biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with