^

Metro

60-anyos lolo tigok sa vendor

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na umabot nang buhay ang isang 60-anyos na lolo na kawani ng Las Piñas City Hall matapos itong pagsasaksakin ng lalaking vendor na tumangging baklasin ang puwesto nito ng gulay at prutas sa isang clearing operation na isinagawa ng pamahalaang lungsod sa Barangay Ta­lon-4 kamakal­wa ng umaga

Sanhi ng maraming saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa isang patalim, dead-on-arrival sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Benjamin Lopez Dela Cruz Jr., 60, kawani ng clearing operation ng lungsod at nakatira sa #802 Sultana Road, Brgy. Manuyo Uno ng naturang siyudad.

Nakakulong naman sa Las Piñas City Police ang suspek na si Jenie Ermac Talisic “alias Bai”, 30, nakatira sa Blk 2, Lt 8, Apri­cot St, Sihanoc Village, Brgy.Talon-4 ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga nang maganap ang insidente malapit sa PMMS Marine School, Brgy.Talon-4, kung saan isinagawa ang clea­ring operation.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek dahil sa pagtanggi ng huli na baklasin at alisin nito ang tindahan na umano’y nakahambalang sa daanan.

Sa gitna ng pagtatalo ay bigla na lamang bumunot ang suspek ng patalim at ilang beses na inundayan ng saksak ang lolong biktima.

Kaagad na dinala sa naturang pagamutan ang biktima ngunit idineklara ring dead-on-arrival.

Nadakip naman ang suspek ng mga rumispon­deng pulis.

Patuloy ang imbestigasyon sa naturang insi­dente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with