^

Metro

MRT-3, muling namerhuwisyo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muli na namang namerhuwisyo ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa mga mananakay nito matapos magkaroon ng electrical failure ang isang tren nito dahilan upang pababain ang mga pasahero sa Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, lumilitaw na dakong alas-8:18 ng umaga nang magkaroon ng technical problem ang isang southbound train sa GMA Kamu­ning Station.

Ang naturang technical problem ay sinasabing dulot umano ng electrical failure sa motor ng tren.

Dahil dito, napilitan ang mga personnel ng MRT-3 na pababain ng tren ang mga pasahero at pinag-abang na lamang ng kasunod na tren.

Kaagad din namang nakasakay ang mga pinababang pasahero sa isang skip train na ipinadala ng opisyal ng MRT-3 matapos ang anim na minuto.

Nabatid na hinatak ang nasirang tren sa MRT depot upang doon isailalim sa preventive maintenance.

Umabot ng Category 3 ang estado ng aberya, na nangangahulugang inalis ang nasirang tren sa linya nang walang kapalit. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with