^

Metro

3 ‘tulak’ timbog sa P5-M droga

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Swak sa kalaboso ang tatlong katao na umano’y mga ‘tulak’ sa ikinasang drug operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos silang makum­piskahan ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5-milyon kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang mga suspek na sina Wenna Barbed, 42; Marlene Espiritu, 32 at Reynaldo Domingo, 43, residente ng Brgy. Upper Bicutan ng naturanglungsod.

Sa report ng PDEA National Capital Region (NCR)   alas-8:00 ng gabi nang ikasa ang buy-bust kontra sa mga suspek sa Brgy. Upper Bicutan, Taguig City.

Matapos magpanggap na bibili ng isang kilong shabu na  tinatayang nagkakahalaga ng P5-milyon  ang  isa sa mga ahente ng PDEA, kung saan isang linggo nang sinubaybayan ang mga suspek.

Nang magpositibo sa pagbili ng droga, dito na dinakip ang mga suspek.

Nabatid din na ang kinukuhanan ng shabu ng mga suspek ay isa umanong  inmate sa New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City at pansamantalang hindi muna pinangalanan ito.

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang tatlong nadakip na suspek sa Taguig City Prosecutor’s Office.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with