^

Metro

MMDA ‘di pa makapanghuli sa 50kph limit sa Edsa

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

Kulang sa speed guns

MANILA, Philippines — Dahil kulang pa sa speed guns at kasalukuyang kina- calibrate pa lamang ang ilan dito, hindi pa nakakapag-umpisang manghuli ng mga violator ang  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kabila na naikasa na nila ang kada oras na  50 kilometer speed limit sa  EDSA kahapon.

Sinabi ni Bong Nebrija, MMDA operations supervisor, hindi pa lubusang naka-calibrate ang speed gun, ang gadget na ginagamit para ma-detect ang speed ng isang tumatakbong sasakyan.

Sa ngayon aniya ay isinasagawa pa nila ang calibration ng naturang mga speed gun.

Ayon kay Nebrija, bibili pa ang ahensiya ng dalawa pang karagdagang speed gun na nagkakahalaga ng P800,000.00 ang bawat isa.

“How can we enforce if we do not have the speed guns?” ani Nebrija.

Ang pagpapatupad ng speed limit ay para aniya sa mga reckless driver, na isa sa sanhi kung bakit nagkakaroon ng aksidente sa kalsada.

Para na rin aniya sa kaligtasan ng mga motorista at ng mga padestrian.

Kapag aniya na-calibrate na ang mga speed gun na gagamitin,  hindi na pwedeng magmaneho nang mabilis ang mga motorista sa EDSA  dahil mayroon nang ipatutupad na speed limit.

“We’re setting it for you to follow to avoid road crashes and all that. We all can see the traffic problem on EDSA during rush hours, but vehicles run fast in the evening and during early morning,” sabi pa nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with