^

Metro

2 holdaper na ‘Colonel’ timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagong modus ang ginawa ng dalawang umano’y holdaper na nagpakilalang Police Colonel nang umorder ng tubig sa isang water refilling station at hiniling na magpadala ng panukli sa P1,000 bill sa mga delivery boy na kanila palang hoholdapin kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Nakilala ang mga nadakip na suspek na sina Arnold Aguirre, 44, ng #954 Vicente Cruz St., Sampaloc, Maynila at Patrick Novio, 22, ng Diliman, Quezon City na kapwa nahaharap ngayon sa kasong robbery.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng gabi nang pumasok sa Aqua Chinky refilling station sa MacArthur Highway, Brgy. Marulas si Novio at hiningi ang numero ng telepono dahil sa oorder umano ang kanyang amo. 

Makalipas ang ilang minuto, nakatanggap ang bantay ng water station ng tawag sa isang nagpakilalang “Superintendent Romeo” at umorder ng tatlong container na tubig na ipina-dedeliber sa Dahlia Street, Villa Teresa Subd. sa naturang barangay. Ibinilin ng caller na magdala ang magde-deliver ng panukli sa P1,000 bill.

Sakay ng kanilang delivery pedicab, nagtungo sa lugar ang mga delivery boy na sina Jeremy Valencia at Justine Jongco ngunit bigla silang pinara ng dalawang suspek na nagsabing sila ang nagpa-deliver ng tubig. Dito bumunot ng patalim si Novio habang kinuryente ni Aguirre si Valencia gamit ang stun gun flashlight saka sapilitang tinangay ang P880 cash na panukli sana sa P1 libong buo.

Hindi pa nakakalayo ang mga suspek nang matiyempuhan sila ng mga nagpapatrolyang mga pulis na nagresulta sa kanilang pagkakadakip.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with