^

Metro

Kaso vs Parañaque City treas. ibinasura

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Sandiganba­yan ang kasong isinampa laban kay Parañaque City trea­surer Anton Pulmano dahil sa diumano’y pagbibigay ng tax amnesty sa isang kumpanya na isinagawa ng pamahalaang lungsod noong 2013.

Ang kasong kriminal laban kay Pulmano ay mula sa isang reklamo na isinampa ni Konsehala Maritess de Asis at ng kanyang abogado sa Ombudsman kung saan inakusahan si Pulmano ng pagbibigay ng hindi karapat-dapat na benepisyo sa Chevy Chase Corp. na nag­resulta sa nabawasan na pananagutan ng buwis ng huli at kung saan ito ay lampas na sa takdang panahon ng pagbibigay ng amnestiya sa pagbabayad ng buwis.

Sa 14-pahinang desis­yon ng Fourth Division ng anti-graft court noong Nob. 27, nakasaad na “the entitlement of Chevy Chase to the tax amnesty program cannot be ascribed to Pulmano” in view of the prosecution’s admission that Chevy Chase “was qualified to avail of the tax benefits under Ordinance 13-08 Series of 2013 and was given a reduced assessment in tax delinquency liabilities amounting to P4,048,624.40.”

Hindi rin pinananagot ng korte si Pulmano sa naging pagbabayad ng Chevy Chase na lampas na sa deadline ng tax amnesty program sa pag-amin mismo si Pulmano ang agarang nagpabatid sa Chevy Chase tungkol sa pagka”dishonor” ng kanilang tseke. Nakasaad sa dokumento na “that settlement of the check was not covered by the tax amnesty period.”

Ayon naman kay Atty. Mei Go, legal counsel ni Pulmano, ang pagsasampa ng reklamo ni De Asis ay upang makabalik siya sa Chevy Chase kasama ang ilang opisyal dahil ang konsehala (De Asis) ay dati umanong presidente ng korporasyon pero inalis dahil sa kanyang diumano’y maling pamamahala at pag­hawak ng mga pondo ng korporasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with