‘Safe City’ suportado ni Erap, MPD
MANILA, Philippines — Umani ng todong suporta ang kampanya ni Manila Mayor Joseph Estrada na “All out for safe cities” na naglalayong mabigyan ng proteksiyon ang mga kababaihan mula sa sipol at anumang uri ng harassment.
Ayon kay Estrada, responsibilidad niyang ipagtanggol ang karapatan ng mga kababaihan kung saan naglaan ng P300 milyon para ma-improve ang mga imprastraktura at karagdagang ilaw sa mga kalsada na siyang kadalasan nangyayari ng mga nambabastos sa mga kababaihan.
Paliwanag naman ni da-ting 3rd District Congresswoman Naida Angping, ito na ang tamang panahon upang maiwas sa anumang uri ng pambabastos ang mga kababaihan at kabataan.
Kailangan lamang na magkaroon ng paninindigan ang bawat biktima na ituloy ang laban at makasuhan ang salarin.
Umaasa naman si 4th District Councilor Krystle Bacani na maipapasa ang draft ordinance 7875 o An Ordinance Penalizing Catcalling and Other Forms of Public sexual Harassment, Prescribing Penalties Therefore and Other Purposes” sa Marso 2018.
Nagpahayag din ng su-porta sina 5th District Congresswoman Krys Bagatsing, Councilor Cassy Sison, Councilor Bimbo Quintoz at MPD Director Chief Supt. Joel Co-ronel.
- Latest