^

Metro

llegal na babuyan muling sinalakay ng PRRC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling sinalakay at si­ni­ra ng mga tauhan ng Pasig River Rehabilitation Com-mis­sion (PRRC) ang mga ba­buyan na itinayo ng mga residente sa Baseco Compound sa Port Area, Manila.

Sinabi ni PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia, ito na ang ikalawang linggo na nag-alis sila ng mga kulungan ng baboy dahil ang dumi ng mga ito ay direktang tumatapon sa Pasig River at reklamo na rin ng mga residente hinggil sa mabahong amoy at  malangaw.

Muling binalaan ni Dir. Goitia ang publiko sa panga­nib sa kalusugan na dulot nang pagtatayo ng kulungan ng baboy sa residential areas, at pagtatapon ng dumi ng mga ito sa mga ilog.

“Strict warnings have been repeatedly issued to all concerned but these were taken for granted. The practice of having pigpens in residential areas and flushing out its wastes in rivers are harmful to human,” babala pa ni Goitia.

Nabatid na nanghingi pa sana ang mga residente ng palugit na tatlong buwan bago buwagin ang kanilang mga babuyan, ngunit hindi na sila pinagbigyan ng PRRC dahil marami umano sa kanila ang hindi tumutupad sa pangako.

Katuwang ng PRRC sa pagsalakay ang mga tauhan ng Manila Police District, National Bureau of Investigation, at Manila City Hall sa sinagasang operasyon na ang mandato ay hindi lamang limitado sa rehabilitasyon ng Pasig River kundi maging sa environmental preservation at pangangalaga sa buhay at kalusugan ng mga taong nasa ilalim ng kanilang areas of influence.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with