^

Metro

Truck ban, ibabalik sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Truck ban, ibabalik sa Maynila

Ayon kay Estrada, maki-kipagpulong siya kay Pangu­long Rodrigo Duterte kung posibleng muling ipatupad ang  truck ban. STAR/File

MANILA, Philippines — Upang makatulong para maibsan ang matinding tra­piko sa Kalakhang Maynila, nakatakdang  ibalik ni Manila Mayor Joseph Estrada ang  truck ban sa lungsod.

Ayon kay Estrada, maki-kipagpulong siya kay Pangu­long Rodrigo Duterte kung posibleng muling ipatupad ang  truck ban.

Aniya, napilitan lamang siyang ipatigil ang truck ban  sa lungsod  matapos na  utusan ni  dating  Pangulong Noynoy Aquino ang isa sa kanyang mga gabinete.

Sinabi ni  Estrada na ibabalik niya ang truck ban sa Maynila sa loob ng  dalawang linggo lalo pa’t palala na nang palala ang traffic situation.

Pabor din si Estrada sa panukalang ‘three day limited travel‘ ng Uber at Grab.

Naniniwala si Estrada na ang ‘three day limited travel ng Uber at Grab ay mas magpapalaki ng kanilang  kikitain kumpara sa pakikipagsabayan sa ibang sasakyan.

Maari aniyang pumasa­da ang Uber ng Lunes, Mi­yerku­les at Biyernes habang  Martes,  Huwebes at Sabado ang Grab. Sa araw ng Linggo ay maaari nang  pumasada ang Uber at Grab nang sabay.

Nakakadagdag din aniya ang  parami nang paraming sasakyan sa Metro Manila.

Matatandaang  sa mapa­­ma­magitan ng City Ordinance 7570 o amended traffic ma-nagement code, ipinatu­tupad ang truck ban mula  alas- 5 ng umaga hanggang alas- 9 ng gabi, Lunes hanggang Sabato.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with