^

Metro

Karampot na rollback sa petrolyo, ipinatupad

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Karampot na rollback sa petrolyo, ipinatupad

Ang oil price rollback ay pinangunahan ng Flying V, na nagbawas ng P0.25 kada litro sa gasolina, P0.15 kada litro sa kerosene at wala namang paggalaw sa presyo ng diesel, na  epektibo ito ng  alas-12:01 ngayong mada-ling araw. Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Nagpatupad ng barya-baryang oil price rollback  ang mga kompanya ng la-ngis ngayong araw na ito ng Martes.

Ang oil price rollback ay pinangunahan ng Flying V, na nagbawas ng P0.25 kada litro sa gasolina, P0.15 kada litro sa kerosene at wala namang paggalaw sa presyo ng diesel, na  epektibo ito ng  alas-12:01 ngayong mada-ling araw.

Sumunod naman ang  Pili­pinas Shell, Phoenix Petro­leum Philippines, PTT, Eastern Petroleum at iba pang kompanya ng langis na epektibo naman ng alas-6:00 ng umaga.

Asahang susunod na ring maglalabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis  ng oil price rollback  sa kahalintulad na halaga.

 Ang naturang oil price adjustment ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng pres­yuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Matatandaan na nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng bawas presyo ang mga oil companies ng  P0.30 kada litro  sa diesel at P0.30 kada litro sa kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with