^

Metro

Bodyguard ng chairman, dinedo ng tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang lalaki sa harap ng kanyang misis ng mga dalawang hindi nakilalang salarin na riding-in- tandem, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Carlito Ramirez, ng  Phase 7 Brgy. 176, Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Ca-loocan City Police-North Extension Office, sakay ng isang single na motorsiklo si Ramirez at ang kanyang misis na hindi na binanggit ang pangalan sa may Phase 7 sa naturang barangay dakong alas-8 ng umaga nang makasalubong sa isang es-kinita ang dalawang salarin   na sakay din ng motorsiklo.

Agad na naghinala ang biktima na inikot ang minamanehong motorsiklo upang tumakas ngunit naunahan pa rin sila ng mga salarin na agad na pinagbabaril si Ramirez nang malapitan. Hindi naman ginalaw ng mga gunman ang misis ng biktima na iniwan nilang umiiyak sa bangkay ng kanyang mister.

Nabatid na bodyguard si Ramirez ni Brgy. Bagong Silang Chairman Joel Baco­lod.  Blangko pa naman ang pulisya sa tunay na motibo sa pamamaslang ngunit ikinukonsidera ang pagtulong ni Ramirez sa kampanya ng barangay at ng pulisya laban sa iligal na droga.

Inaalam naman ng pulis­ya kung may nakakabit na closed circuit television ca-mera sa bisinidad kung saan naganap ang krimen upang makilala ang mga salarin sa pamamaril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with