^

Metro

Riders nag-alsa vs ‘motorcycle lane’ ng MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Riders nag-alsa vs �motorcycle lane� ng MMDA

Nagsagawa kahapon ang daan-daang motorcycle riders ng caravan pa­tungong People Power Monument sa EDSA upang iprotesta ang “motorcycle lane” na ipinatutupad ng Metro Manila Dev’t Authority (MMDA) at sa plano pang ipagbawal ang mga motorsiklo sa EDSA. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Daan-daang motorcycle riders ang nagsagawa ng kilos-protesta sa EDSA na humantong sa People Power Monument laban sa mga polisiya na ipinatutupad ng Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA) kabilang ang implementas­yon ng “motorcycle lane” at planong pagbabawal sa mga  motorsiklo sa EDSA.

 Nagsagawa ng tinatawag na “Unity Ride” ang iba’t ibang riders na bumubuo ng Riders of the Philippines (ROTP) at ibang mga rider’s group sa EDSA. Pagsapit sa tapat ng tanggapan ng MMDA sa may Orense Drive sa Makati City, huminto ng ilang minuto ang mga riders at nagsagawa ng “noise barrage” sa pamamagitan ng pagbusina upang kalampagin ang ahensya. 

 Lumikha naman ang paghinto ng mga motorcycle sa EDSA ng pagsisikip sa trapiko sa kanilang likuran.  Sa kabila nito, marami pa ring mga rider ang nagpanukala na isagawa ang protesta sa MMDA Headquarters kapag may araw ng pasok upang mas maramdaman umano ng ahensya ang kanilang hinaing.

 Nagpatuloy ang convoy hanggang sa makarating sa People Power Monument kung saan nagsagawa ng programa upang kondenahin hindi lang ang mga polisiya ng MMDA ngunit ang mga ipinatutupad na batas ng iba’t ibang lokal na pamahalaan at ng PNP-Highway Patrol Group. Kasama sa mga ipino-protesta ang implementasyon ng ilang munisipalidad sa pagbabawal na magsuot ng helmet at ma-ging mga gamit na pantakip sa mukha laban sa polusyon, riding-in-tandem ordinance, pagbabawal sa mga LED at ibang auxiliary lights, at iba pang modipikasyon.

 Sinabi ni Jobert Bolanos, kumakatawan sa Motorcycle Rights Organization (MRO) na walang batas na sumasakop sa ipinatutupad umanong diskriminasyon ng pamahalaan sa mga motorcycle riders na nagbabayad din umano ng parehong “road users tax” at iba pang mga bayarin kapag nagpapare-histro ng sasakyan.

Sa kabila ng paggiit ng MMDA na pangunahing sanhi ng aksidente ang mga motorsiklo at pagbubuhol sa trapiko, iginiit ng grupo na baligtad ito dahil sa pagiging “flexible” ng mga motorsiklo na pinakamabilis na uri ng transportasyon habang itinuro ang mas nakararaming mga pribado at pampublikong behikulo na hindi mapigilan ang pagbebenta.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with