^

Metro

Truck humambalang sa SLEX

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

Nagdulot ng matinding trapik

MANILA, Philippines — Halos mahigit sa dalawang oras na nagdulot nang napakabigat na daloy trapiko  sa mga motorista ang aksidenteng naganap sa kahabaan  ng South Luzon Expressway (SLEX), Muntinlupa City,  kahapon ng umaga.

Ayon kay Randolf Perez, ng SLEX Command Center, alas-4:30 ng umaga nang maaksidente ang isang flatbed type na truck  patungong Calamba, Laguna sa Alabang Viaduct ng naturang lungsod.

Nauna nang nagpagewang-gewang ang trak hanggang sa tuluyan na itong tumirik sa gitna ng SLEX.

Matinding trapik at abala sa mga motoristang bumabagtas sa SLEX ang naging sanhi nito na ang tail end ay umabot na hanggang Nichols.

Halos mahigit sa dalawang oras nakababad sa trapik ang mga motorista at pagsapit ng alas-6:30  ng umaga saka lamang nadaanan ang kahabaan ng SLEX.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung human error o nagkaroon ng mechanical error ang naaksidenteng truck, na wala namang napaulat na may nadisgrasya sa insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with