^

Metro

P25-M recycling plastic waste facility, itatayo sa MM

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglaan ang isang non-govermental organization na Philippine Alliance for Recycling and Materials Sustainability (PARMS)  ng P25 milyong halaga para makapag patayo ng isang recycling facility ng plastic sachets sa Metro Manila.

Ang PARMS ay isang environmental coalition ng mga pangunahing consumer goods companies sa bansa.

Ayon sa PARMS, ang pasilidad ay  kapapalooban ng bagong teknolohiya na magpo-proseso ng mahigit 150 metric tons ng basura kada taon para maging  pallets, school chairs at iba pang produktong mula sa plastic.

Binigyang diin ng naturang grupo na ang hakbang ay bahagi ng kanilang kampanya na maibsan ang mga post-consumer waste  na nagdudulot ng epekto sa kapaligiran, laluna sa mga  waterways.

Ang hakbang ay isasagawa matapos ang paglagda sa isang kasunduan na dinaluhan ni DENR Undersecretary for Solid Waste Management Atty. Noel Felongco.

Suportado rin ng PARMS ang National Solid Waste Management Commission (NSWMC) na nangangasiwa sa pagpapatupad ng solid waste management plans sa mga  end-users at local governments.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with