^

Metro

MMDA traffic enforcers, armado na rin ng body cam

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magsisimula na ring gumamit ngayon ang traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ng body camera sa kanilang operasyon tulad nang pagmamantina ng daloy ng trapiko at panghuhuli ng mga traffic violators.

Nitong Biyernes ay ginamit na ng may 20 traffic enforcers ng MMDA ang kanilang mga body camera, na ibinigay ng isang pribadong kumpanya.

Ang body camera ay ikinabit  sa mga enforcer ay bilang bahagi ng kampanya ng ahensya kontra corruption.

Sa pamamagitan nito ay dito aniya mamo-monitor kung nangotong ang isang enforcer na nanghuli ng mga lumabag sa batas trapiko.

Sabi ni MMDA Chairman Danilo malaki ang magiging tulong ng body camera para sugpuin ang corruption at mga pang-aabuso.

Plano ng ahensiyang bumili sa susunod na tao ng karagdagang body camera na gagamitin ng mga enforcer. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with