7 ‘tulak’ arestado sa QC
MANILA, Philippines — Arestado sa mga awtoridad ang pitong sinasabing ‘tulak’ ng droga sa isinagawang buy bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Supt. Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Wilmer Vingco, 31; Renz Ardaniel, 30; Joselito Bonaobra, 36; Bryan Ponce, 34; Frankie Narvaja, 41, Fernando Cruz, 44 at Michael Soriano, 37.
Unang nadakip sina Vingco, Ardaniel, Bonaobra, Ponce, Narvaja at Cruz sa operasyon na isinagawa ng mga tauhan ng QPCD dakong alas- 12:30 ng madaling araw sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.
Habang si Soriano ay dinakma dakong alas-4:00 ng madaling araw ng mga tauhan ng QCPD station 8 sa Burgos corner Aurora Blvd., Brgy. Project 4, Quezon City.
Nabawi mula sa pito ang tinatayang nagkakahalaga ng 100,000 droga, marked money at ibat-ibang drug paraphernalia.
Ayon kay Gen. Eleazar, ngayong ibinalik na PNP ang kampanya ng pamahalaan kontra sa droga, katuwang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay lalo nilang paiigtingin ang kanilang pagtugis sa lahat ng hindi pa tumitigil na drug pusher sa lungsod.
- Latest