^

Metro

Quinta market magsisilbing Benguet vegetable market

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magsisilbing Benguet vegetable market ang  Quinta Market.

Ito ang  tiniyak ni  Manila Mayor Joseph Estrada kasabay ng pagpapasinaya  ng Benguet vegetable market sa bagong Quinta Market na  dinaluhan ng  mismong gobernador ng  lalawigan at  mga magsasaka nito.

Ayon kay Estrada malaki ang maitutulong ng  ‘farm direct’ sa mga vendors ng dahil mas lalaki pa ang kanilang  kita at mababawasan na ang mga middle man na siyang  nagpapamahal ng gulay.

Ang lahat ng mga vendors ay maaaring umangkat sa Benguet vegetable market kung saan nakatitiyak na malinis at maganda ang  kalidad ng mga gulay.

Binigyan diin naman ni  Dax Gazmin, Chief Executive Officer ng farmdirect na  ang pagbubukas ni  Estrada ng  oportunidad sa mga magsasaka ng  Benguet ay indikasyon na  sabay-sabay ang pag-unlad ng mga magsasaka at  vendors  ng mga gulay.

Layon nilang  mapasok din ang  iba pang  lugar sa Metro Manila upang magkaroon ng mga pagpipilian ang  publiko sa kanilang pamimili ng mga gulay bukod sa Divisoria.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with