^

Metro

Motorsiklo planong ipagbawal sa EDSA

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Motorsiklo planong ipagbawal sa EDSA

Base sa datus ng MMDA, noong 2016 nasa 65,757 bilang ng mga motorsiklo ang bumabagtas sa EDSA, na ngayon ay pwedeng umabot na o mahigit pa sa 70,000. Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tuluyang ipagbawal ang motorsiklo sa EDSA.

Nabatid na  inatasan ng  Metro Manila mayors  ang MMDA, na pag-aralan nito ang pagbabawal  sa mga  motorsiklong babagtas  sa kahabaan ng EDSA.

Sabi ni Bong Nebrija, MMDA operations supervisor, sa naging meeting ng Metro Manila Council (MMC) na binubuo ng mga alkalde, nakikita nilang isa sa mga solusyon para maibsan ang trapik sa EDSA ay ang pagbabawas ng volume ng motorsiklo sa kalsada.

Makakabawas din aniya ito ng aksidente sa kalsada na karamihan sa mga sangkot ay motorsiklo.

Base sa datus ng MMDA, noong 2016 nasa 65,757 bilang ng mga motorsiklo ang bumabagtas sa EDSA, na ngayon ay pwedeng umabot na o mahigit pa sa 70,000.

Subalit, ayon kay Neb­rija, kanilang titimbangin kung ano ang magiging epekto nito sa mga motorista lalu na sa mga rider kung kaya’t masusi nila itong pag-aaralan.

“We don’t want to put our biases and let our engineers study it first. We have to get the sentiments of the motorcycle riders,” ani Nebrija.

Kapag aniya naisakuparan ito, magtatalaga naman ang ahensiya ng mga alternatibong ruta para sa mga motorsiklo.

Sa panig naman ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, chairman ng  special traffic committee ng MMC hindi pa aniya alam ang mga bagay na ito at kanya pa itong kukum­pirmahin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with