PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

500 special permit sa mga bus, pinagkaloob ng LTFRB

Ngayong holiday season

MANILA, Philippines — Nagkaloob ng halos 500 special permit ang  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makabiyahe sa ibang lugar ang mga bus units ngayong holiday season.

Ayon kay LTFRB spokesperson Aileen Lizada, ang   Christmas Special Permits ay epektibo Disyembre 23 hanggang Enero 8, 2018 na nangangahulugan na ang mga bus units na nabigyan ng permiso ay maaaring makabiyahe sa ibang lugar sa labas ng kanilang original route.

Anya, sakop ng permit ang may  halos 2,000  bus units na karamihan ay papasada sa iba’t Ibang bahagi ng northern Luzon sa panahon ng Kapaskuhan.

Taunang nagbubukas ang LTFRB ng special permits sa mga bus units na nais bumiyahe sa ibang lugar upang mapunan ang malaking demands ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya tuwing holiday season.

Noong December 2016, may 432 permits ang nabigyan para sa halos 1,000 units ng bus.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: