PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Opisyal ng MMDA, nasa ‘hot water’

Miyembro ng media ‘ito-tokhang’ daw

MANILA, Philippines — Nasa balag ng alanganin ngayon ang isang mataas na opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang ireklamo sa Presidential Task Force on Media Security (PTFMS) ng pagbabanta umano sa isang reporter na babarilin sa gitna ng isang press conference.

Sa Facebook post ni PTFMS Executive Director at Undersecretary Joel Egco, biniberepika na niya ang ipinadalang mensahe ng isang reporter ng MMDA na hindi muna pinangalanan ukol sa pagbibitaw ng mistulang masamang biro ng opisyal na hindi rin muna pinangalanan.

Sa naturang prescon, sinabihan umano ng opisyal ang reporter na “babarilin o ipapatokhang”.  Ito ay dahil sa mga inilathala ng naturang reporter na kritikal sa MMDA.

“A reporter I have known for years brought this to my attention. Before I publicly call on the official and lecture him on [Administrative] Order No. 1, or ‘red flag’ him for such a horrible joke, I’d like to ask other reporters who were there to verify via PM (private message) to me. [M]y infor-mant claimed they felt the chill,” ayon sa post ni Egco.

Kasama nito ang screenshot sa palitan nila ng text message ng naturang repor-ter na tinakpan ang pangalan ng mga sangkot.

Naging laman na rin ng “blind items” ng ilang media outlet ang naturang opisyal at ang naganap na pagbabanta.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kasama dito ang pambabastos umano ng opisyal sa mga magagandang repor­ter sa gitna ng kanyang ipinatatawag na prescon na ipinagkikibit-balikat lamang nito at sasabihin na biro lamang.

Inaprubahan ng Malaca­ñang ang Administrative Order 1 ang PTFMS para protektahan ang lahat ng karapatan at magtanggol sa mga naaapi    na miyembro ng media.

Sinabi ni Egco na kahit sabihin na biro ang binitiwang salita, sa dami ng insi­dente ng pamamaslang sa mga miyembro ng media ay mai­kokonsidera itong  “worse than a bomb joke” ang bini­tiwan     ng opisyal.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: