PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kuya tinarakan ng utol

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang 29-anyos na lalaki nang saksakin sa ulo ng nakababatang kapatid matapos na tanggihan ng una ang alok ng huli na inuman sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Julius Laureta, residente ng Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Maynila dahil sa sugat na tinamo sa ulo, habang ang suspek na kapatid niya sa ina, na kinilalang si Emmanuel Cayan, 19 ay mabilis na tumakas matapos ang krimen at nagtatago na.

Sa ulat ni PO1 Aaron John Nucum ng Manila Police District-Station 3, alas-4:00 ng madaling araw nang magkita ang dalawa sa panulukan ng H. Cano at Q. Blvd., Sta. Cruz, Maynila.

Inaya umano ng suspek ang kaniyang kuya na mag-inu­man subalit tumanggi ang huli dahil kakauwi lamang niya mula sa birthday ng kaibigan.

Nauwi sa pagtatalo ang hindi pagpapaunlak ng biktima hanggang sa saksakin siya ng kapatid.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: