^

Metro

Sinibak na parak, 1 pa dawit sa gunrunning operation, timbog

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang nasibak na pulis at kasabwat nito sa gunrunning acti­vities ang kapwa nadakip ng pulisya sa Pasay City.

Nasa custody ngayon ng Southern Police District-Criminal  Investigation and Detective Group (SPD, CIDG) ang mga suspect na sina Maurito Reineido at ang kasabwat nitong si Gerry Desoacido.

Alas-8:00 ng gabi nang maispatan ng mga pulis ang mga suspect sa harapan ng videoke bar sa FB Harrison St., Pasay City.

Ilang linggo na ring sinusubaybayan ang mga ito dahil sa kanilang iligal na gawain tulad ng gunrunning activities.

Nakumpiska ng mga pulis mula sa mga suspect ang isang Galil automatic rifle cal. 5.56; Taurus 24/7 cal. 40 pistol; 3  maga­zines ng cal. 40; Jerico 9mm pistol; 2 magazines ng 5.56 at 1  magazine 9mm.

Nag-ooperate umano ang mga suspect sa area ng Pasay at kalapit na lungsod at ang namumuno umano ng gunrunning syndicate ang isang inmate sa New Bilibid Prison.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with