^

Metro

4 pang dawit sa pagtatapon ng bangkay ng bebot sa SLEX, sumuko

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumuko na kahapon sa Pasay City police ang apat na kalalakihang tumulong umano sa suspect na contractor na  itapon ang bangkay ng live-in partner nito sa South Luzon Expressway (SLEX) na pinatay dahil sa selos.

Kinilala ng hepe ng Pasay City Police na si Police Senior Supt. Dionisio Bartolome  ang mga sumukong suspect na sina Laurence Anthony Phi, 23;  Melvin Astoxga, 18; Russel­ Torres, 18 at si Danilo Flores, 20, pawang naninirahan sa Maricaban St. ng nasabing lungsod.

Base sa report, ala-1:00 ng madaling araw sumuko ang mga  suspect kay Maricaban Police Community Precinct (PCP)-8 commander Police Senior Inspector Ferdinand Duren.

Ayon sa Pasay City Police­, nagpatulong umano ang suspect na si Alfredo Torres, 32, sa apat para ikarga ang bangkay ng live-in partner nitong si Cla­ris­salyn Lizardo sa kanyang kulay pulang Nissan Honda Accord na walang plaka.

Hanggang sa itinapon ang bangkay ng biktima sa SLEX area na ng Cabuyao, Laguna.

Ito ay matapos na barilin at patayin ang biktimang si Lizardo ng suspect na si Torres noong Nobyembre 28 sa Maricaban, Pasay City dahil sa selos.

Nitong nakararaang Linggo ay natagpuan nga ang bang­kay ni Lizardo sa SLEX.

Nabatid, na nadakip si Torres at ang mekanikong ka­sab­wat nito na si Gabriel Re­pasa, 32, noong Sabado ng umaga (Disyembre 2) ng mga kagawad ng Cabuyao, Laguna Police sa naturang lala­wigan.

Ayon sa apat na suspect, sumuko sila sa pulisya upang ihayag ang kanilang ginawang pagtulong kay Torres.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with