PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ex-con pinabulagta

MANILA, Philippines — Isang ex-convict ang  pinagbabaril hanggang sa mapatay  ng mga hindi pa nakikilalang suspek, kahapon ng nadaling araw sa Port Area. Manila.

Dead on the spot ang bik­timang si Jiovanni Barba Jr. alyas Talle, miyembro ng Commando Gang, residente ng Barrio Ga­sangan, Baseco Compound, Port Area.

Sa report ni PO3 Dennis­ Turla, ng MPD-Homicide Section, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Sto. Cristo Street malapit sa kanto ng Recto Ave­nue, Binondo, Maynila.

Isang putok ng baril umano­ ang narinig hanggang sa bumu­lagta ang biktima. Nagtamo ng  tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima.

Nabatid na sangkot umano sa serye ng panghoholdap at snatching ang biktima sa area ng Divisoria at kalalabas lamang mula sa National Penitentiary (New Bilibid Prison) sa Muntinlupa City.

Narekober sa pinangya­rihan ng krimen ang cartridge case ng .45 kalibre ng baril.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: