PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

KFR lider utas sa shootout

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki na sinasabing lider ng isang ‘kidnap-for-ransom group’ makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa ikinasang entrapment operation ng Valenzuela City Police at PNP-Anti-Kidnapping Group, kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Inisyal na nakilala ang nasawi na si Darius Darlucio. Nare­kober sa posesyon niya ang P50,000 ransom money at isang cellular phone na sisiyasatin ng mga pulis.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, unang dinukot ng grupo ni Darlucio ang isang bata nito lamang nakalipas na araw sa Quezon City. Agad na tumawag ang mga suspek sa ama ng biktima at nakipagnegosasyon para sa ransom na naibaba sa P50,000.

Itinakda ang pay-off sa may Donesa St., Brgy. Canumay West, Valenzuela.

Dakong alas-10:30 ng gabi nang magkaabutan ng ransom money sa naturang lugar sa pagitan nina Chua at Darlucio na may kasamang isang lalaki sakay ng motorsiklo. Dito nakahalata si Darlucio na may nakapaligid na pulis sa lugar kaya pinapu­tukan niya ang mga ito na masuwerteng walang ti­na­­maan.

Dito na gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa masapol si Darlucio habang nakatakas naman ang kanyang kasamahan nang agad na paharurutin ang motorsiklo sa direksyon ng T. Santiago Street, Brgy. Canumay West. Nagsagawa ng dragnet operation ang mga pulis ngunit hindi na nagawang mahabol ang suspek.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Isinugod naman sa Valenzuela City Emergency Hospital si Darlucio ngunit hindi na umabot ng buhay dahil sa maraming tama ng bala sa katawan.  Narekober ng mga pulis ang isang rebolber na baril na gamit ni Darlucio.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: