^

Metro

PISTON president kakasuhan ng MMDA

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
PISTON president kakasuhan ng MMDA

Kinompronta ng mga jeepney driver na miyembro ng PISTON ang isang opisyal ng Land Transportation Office matapos na sila ay harangin sa kanilang protesta na sinimulan mula sa Welcome Rotonda patungo sa Mendiola Bridge. Miguel De Guzman

 

MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kasuhan ang leader ng isang transport group at mga miyembro nito matapos nilang sirain ang ilang  tow trucks na accredited sa naturang ahensiya na naganap, kahapon ng umaga sa Maynila.

Ayon sa tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pialago, pinag-aaralan na ng legal department ng MMDA na kasuhan si PISTON President  George San Mateo, dahil ilan sa mga miyembro nito ang nanira ng  dalawang  tow  trucks  na  naka-deploy sa España, Maynila.

“We can file charges against the leader of the group, but we are still studying kung anong kaso isasampa sa kanila,”  sabi ng Pialago.

Sinira umano ng mga miyembro ng PISTON ang naturang mga tow trucks  dahil tinangkang hatakin ng mga ito ang ilang sasakyang gamit ng grupo ng naka-illegally parked.

Matatandaan na ipinagpaliban ng PISTON ang kanilang  dalawang araw na tigil -pasada para mariing tutulan ang nakatakdang pagpapatupad  na jeepney modernization programa ng pamahalaan.

Ipinagpaliban ng naturang grupo ang pagkilos matapos manawagan sa mga ito si Senador Grace Poe.

Sa halip na mag-strike, nagsagawa na lamang ng transport caravan ang naturang grupo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with