^

Metro

400 traffic enforcer kailangan ng MMDA

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para mapunan ang kakulangan dahil sa mga natanggal na enforcer sanhi ng mga kasong ad­mi­nistratibo, kailangan ngayon ng Metropolitan­ Ma­nila Development Authority ang nasa 400 karag­dagang bilang nito para magmantina ng daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay Roy Taguinod, MMDA traffic discipline office head, nasa 130 traffic enforcers ang nasibak sa serbisyo simula nang umupong chairman ng MMDA si Danilo Lim.

“Ang mga nagkasalang traffic enforcer na ito ay sangkot sa mga extortion at ibang iligal na akti­bidad habang may ilan na hindi nagreport sa trabaho at naging AWOL (absent without leave). Kaya awto­matiko, tinanggal sila sa serbisyo,” paliwanag ni Taguinod.

Sinabi ni Taguinod na nasa 400 traffic enforcers ang kailangan ngay0n ng MMDA. Ang mga qualification sa pag-aaply ay dapat nasa second year college level o naka-72 units ng anumang kurso at dapat ay physically fit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with