^

Metro

Motorsiklo vs bus: Rider patay

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang rider ang nasawi nang mahagip ng bus ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Michael Tumaca, ng Tengco St., ng naturang siyudad dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Samantala, nasa custody naman ng pulisya ang driver ng Daewoo  Bus ( UYD-462)  na si  Lalaguna Ramos, taga Lirio Street CAA, Las Piñas City.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-8:50 ng gabi sa panulukan ng Tramo at  Legaspi Sts., Pasay City.

Minamaneho ng biktima ang kanyang Yamaha Mio at habang binabagtas ang lugar ay bigla itong nasalpok ng bus na minamaneho naman ni Ramos.

Sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ang biktima na nagtamo ng matin­ding pinsala at dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with